Tuesday, January 27, 2015

January 16: SPC

Nag-email ako kay Sir FRB kagabi regarding doon sa naging usap namin kahapon. Ayon nagexplain ako ng konti and nag-thank you na din!

Hindi ako pumasok ngayon. Bumisita ako sa SPC. Need ko makausap si Sir Jay regarding sa SP ko. Pagpasok ko, may kausap pa si Sir Jay so nakita ako ni Ma'am Joy.Nakipagkwentuhan ako ng konti kay Ma'am at sinabi ko mga plano ko. Nice to see them.

Nung nakausap ko si Sir Jay, pumayag naman sya na tulungan ako. And ayon, konting kwentuhan ng mga plano sa buhay. Sabi nya magturo na lang daw ako sa SPC. Hehe.. Parang gusto ko na ayaw! Bahala na!

Then, ito na tumawag si Barok, nakikipagkita! wala kasi silang pasok gawa ng Papal Visit! Welcome Pope Francis :)

Pinatikim nya sa akin ang Salted Caramel Sundae ng 7eleven. Hmmm.. masarap! Sa may Cathedral na kami nagkita, magcoconfess kasi ako. Buti umabot ako! YEY!!

Tumingin kami ng pedeng gift kay Corci. Ikakasal na kasi sila sa simbahan ni Jenny! Mabuti naman!

With Love,

JustMe

January15: Mabuhay San Pablo

Happy Feast Day St. Paul the First Hermit! Happy Fiesta San Pablo City!

St. Paul the First Hermit of Dr. Robert De Leon and Family

Aabsent sana ako. Kaya lang syempre hindi natapos ang presentation ng Impression kaya ayon pumasok ako. This time kasama na si Miss JIFB. Ayon medyo madugo pa din. Obvious sa mga mukha ang disgusto! pero keri lang.

After ng presentation, kinausap ako ni Sir FRB.. Napakalayo daw ng Impression sa inaasahan nya. Ang unti daw ng nadagdag. And napapansin nya daw na parang hindi ako nagpapanic kapag sinasabihan nya akong na may presentation which is good na di ako nagpapanic pero parang di nya nakikita na binibilisan ko ang gawa. Parang ganun yung dating sa akin.

I went home early kasi nga mamimiesta kami kina Tita Ofie. Buti na lang may sasakyang dala si Ai. Ang nakasakay sa car ay si Joey, Sarah, Gilbert with his baby, Ako and si Ai ang nagda-drive. Then sa motor ay si Aries at Ener.

Ang sarap ng pagkain kina Tita... yummy!!! Wala pang handa ang lagay na iyon! LOL Pagkatapos e nag-color game sila. Then umuwi na. Humiwalay na ako sa kanila kasi pabalik pa sila kina Tita Ofie.

Nakita kong open pa ang Cathedral, pumasok ako and tadah! yan yung picture sa taas. Kuha ko yan!
Hay pray for me San Pablo!

With Love,

JustMe

P.S. Dumating na nga pala si Pope Francis. Di ko napanood ng live ang pagdating nya. Medyo lang. Ang bagal kasi ng internet kaya mabagal din live stream! **Mercy and Compassion**

Wednesday, January 21, 2015

January 14: Bisperas

Hindi ko alam kung makaka-absent ako bukas. Gusto ko sana kasi fiesta na ng San Pablo. The problem is nahihiya akong umabsent kasi ang dami ko dapat i-turnover and nangako ako na tatapusin ko yung system bago ako umalis.

Presentation ng Impression (system) today. So far, naging madugo ang discussion regarding Repayment. Wala pa din si Rustan pero nagdecide na sila na ituloy ang presentation. It was attended by Ma'am EPB, Miss LFA, CAOL, RBDU and FIL and syempre kaming MIS Unit except JMV and Rustan.

Naputol ang presentation dahil inabot na kami ng lunch. They decided that we continue nung hapon but because of an emergency meeting, hindi na natuloy.

S'ya nga pala, hirap na sila mag-yosi sa likod. May nagsumbong daw. hehe.. pinagbabawalan na tuloy sila, kaya ayon kay ate (sa tindahan) sila nagyoyosi!

Grabe ang sikip na sa plaza! Effort ko bago makauwi ha! Bumaba ako sa may Central ng 9:10 nakalabas ako sa 7 eleven ng 9:40! Grabedad! e ang igsi lang na lakarin un!


With Love,

JustMe

January 13: Magulong Isip

Ayon! Just a normal day! May konting lungkot pa din and nasa stage ako na nagdadalawang isip ako!

Presentation na dapat ngayon ng Impression. Kaya lang wala si Rustan so hindi na muna itinuloy. Sila kasi ang hahawak non pag-alis ko!

Pauwi dumaan kami ni Sarah sa 7-eleven. Dumaan din doon sina Sir FRB, JMV at GJMG. Sabi sa akin ni Sarah: "Kaya mo bang iwanan sila?"

Nasabi ko na: "Hindi naman ganon kadali yun, masakit pa din pero kailangan."

Ito na ata ang shortest na maisusulat ko ngayon! ahaha


With Love,

JustMe

Saturday, January 17, 2015

January 12: Mournday

Pagkagising ko, puno na ng kaba ang puso ko! I told myself: "this is the day! Ito na...". Dahil sa nerbyos ko, nagpa-late talaga ako ng pasok. Para at least hindi ko na kailangan umattend ng flag ceremony. Ayoko kasi matanong sa Monday meeting yung regarding sa system. Baka doon pa ako sabunin ni Sir.

Pag dating ko, di pa tapos ang Monday meeting, doon pa ako ibinaba ng tricycle sa labas ng gate. Sabi ko ipasok sa may likod eh! Ayon, naglakad pa ako palikod. Pagpasok ko, sakto, tapos na din ang meeting. Nakasalubong ko agad si Sir FRB. Pagdating ko kinamusta nya agad. Sabi ko, malabo pa din and may gusto akong sabihin sa kanya. Then sabi nya: "Parang alam ko na!". Sabi ko kami na lang muna mag-usap.

Ayon sinabi ko na aalis na ako and ang reason ko ay pag-aaral  and syempre hirap na din ako sa trabaho. Sabi niya wag na muna ako magdesisyon. Pagtulungan na daw muna naming MIS un system ko then after a week saka kami magdesisyon. Dumating si Sir ARM, akala nya kasi ung boses na nakikinig nya ay kay Architect (yung gumagawa ng office) tapos sinabi na din ni Sir FRB  ang plano ko and yung sinabi nya. Pumayag naman si Sir ARM sa plano ni Sir FRB.

After non, pumunta si Sir FRB sa taas para iinform ang ibang bossings. Bumaba naman si Sarah at nag-usap kami. Sabi nya e wag na nga daw muna ako umalis at sumunod na lang muna sa plano ni Sir FRB. Sa totoo lang, ayoko naman umalis e, un nga lang di ko na kaya! Hindi naman porke't aalis ako e mahina ako. Sabi nga ni Sarah, kung saan daw ako nadapa, doon ako bumangon. Yun daw sabi ng Tatay nya. Sabi ko naman, OO, babangon nga ako kung saan nadapa. Pero kailangan ko umalis, para gamutin ang sarili ko.

Pagdating ni Sir FRB, nasabi na nya sa ibang bossings. Ayon, tinapat naman ako ni FRB na off na sa akin ang ibang bossings. Then, after non, nagmeeting kami ng mga dapat gawin!

After office, nagkita kami ni Eltie para tulungan nya ako mag-draft ng resignation letter ko. Nagkita kami sa KFC. Medyo mahirap na ang pasikot-sikot sa plaza kasi malapit na ang fiesta!



Grabe ang bigat! Ang bigat ng araw na ito... Kakalungkot! Nahihiya ako dahil buong MIS e nadadamay! >.<


With Love,

JustMe

Wednesday, January 14, 2015

January 11: First Overtime

Grabe ang aga ni Fr. Emil kanina sa Misa. Nauna pa sa akin. Buti na lang di sya nagumpisa agad kasi nag-ayos pa sya ng sound system ng chapel. Pero maaga pa din sya nag-start, 10 to 8PM e nagumpisa na sya. Dami tuloy late.

Today, the church celebrates the Baptism of our Lord. This really ends the Christmas Season and the start of the Ordinary Time.

After Mass, kinausap ako ni Mommy at sinabi na magsabi na daw agad ako sa office na magre-resign na ako para daw alam na agad and tigilan ko daw muna ang mga tagpuan ng barkada at magfocus muna sa pag-aaral.

After kong kumain ng umagahan, nagprepare na ako papuntang office (Yep! Overtime on a Sunday). Need ko kasi maipresent ang Depression este Impression bukas.

Mga 12NN na ako nakarating sa office. Sobrang antok aba! Medyo nakakatulog ako. Si Sarah e mga 1:30 dumating sa office. Umorder kami ng food sa jollibee kasi wala naman malapit na tindahan. Yun pala di pa nakain si Ma'am Emy. Akala ko kasi madami sila sa taas kaya nag-assume na ako na nakakain na sila.

Grabe so depressed na ako! Dunno what to do. I told JC na din my plans na umalis na ng office!

Yun lang! Tomorrow is the day!


With Love,

JustMe

January 10: Too Sexy @ 60

It's Tita Aydz birthday celebration. We (Sarah, Ai and I) to meet at SM to buy gift. Kasama kami ni Sarah sa program. The party will start at 1PM, usapan 11AM ang tagpuan pero medyo nalate sila (and ako din). Almost 12NN na ako umalis ng bahay then after that e nagdiretso muna ako sa SM Business Center (Tama ba?) para magpapalit ng dollar na bigay ni Uncle Luis and at the same time e magrequest ng NSO birth certificate.

Almost 1PM ng tumawag si Sarah to inform me na nasa SM na sila ni Ai. Dahil kasali kami sa 10 Makeup ni Tita Aydz doon kami sa mga makeup section dumeretso. I decided na eyeshadow na lang ang ibigay kay Tita then napabili din ako ng jell liner, nagpalagay kasi kami and nagandahan naman ako.

Nalaman na din ni Ai ang plano kong pag-alis sa office. So ayun, masaya naman ako na nakabonding ko sila today :)

Pass 2 na ng makarating kami kina Tita Aydz. Di pa naguumpisa ang program (buti naman). Andon na ung ibang mga kaopsina namin. Panay ang picture-picture naming 3 with Jean. Daig pa namin na kami ang may birthday.

Binigyan akong hikaw at pabango ni Tita Aydz. Di daw nya kasi ako nabigyan nung pasko. Hayz, mamimiss ko talaga sila pero kailangan ko na ding umalis.

After kina Tita Aydz, nagpunta kami sa lake this time kasama na si Joey, Brigit at Irish. Picture-picture lang then gala ng konti sa plaza at inom ng konti sa CDC, syempre since di naman ako nainom ng beer e, nag-Cookies & Cream Frappe na lang ako.

Proof na Cookies and Cream Frappe lang ang akin :)


9PM na ng maghiwa-hiwalay kami. Dumaan sila kina Tita Offie kasi doon sila nagpark ng kotse.

Yun ang nangyari sa maghapon. Mamimiss ko sila sobra. Pero siguro may mga bagay na kailangang gawin para mas makapagfocus ka sa ibang bagay.


With Love,

JustMe

P.S. Grabe....mga adik sila sa color game!