Akala ko ipe-present ko ngayon yung system. Hindi ako ready kasi hindi ko sya magawa dahil sa Apache ko, idagdag pa na naging busy sa choir ng holiday and iniisip ko pa SP ko. Buti na lang hindi pa.
Ibinigay ko na kay SHDRM ang scapular nya. Bibigyan daw nya si Joseph (long distance BF nya). Ahaha. Talaga nga naman! Sana e mahalin sya ni Joseph ng tunay at lubos :)
My supervisor/head discussed PEF and IPCR and he was kind enough to make our PEF. Nakakahiya kay Sir FRB. Napapaisip akong umalis para maka-focus sa SP, pero isa din sa iniisip ko e ang naging pagintindi at sakripisyo sa akin ni Sir.
Plano namin ni SHDRM na mag-OT kaya lang, nagyaya sila sa Onsen (Hotel/KTV). Parang New Year Celebration, ganun? Nagrent kami nung malaking area, P3,500 ang rent pero consumable sya sa food. Siguro almost 10PM na kami umalis. Masaya ang pagki-KTV namin sa Onsen. Lakas trip e. Ahahaha.
![]() |
| Makiling Onsen |
Ayon, tapos iniupload ko lang ang isang video ng pangyayari sa Onsen bago natulog :) So ayon ang nangyari. God bless us :)
With Love,
JustMe
P.S. May issue na naman sa office. Stress tuloy si Sir FRB. Di ko maitindihan kung sino. Si JGS ay TO staff na. Siguro e bitter si Ma'am AAF (Pusong A sabi ni Aries).

No comments:
Post a Comment