Almost 1PM ng tumawag si Sarah to inform me na nasa SM na sila ni Ai. Dahil kasali kami sa 10 Makeup ni Tita Aydz doon kami sa mga makeup section dumeretso. I decided na eyeshadow na lang ang ibigay kay Tita then napabili din ako ng jell liner, nagpalagay kasi kami and nagandahan naman ako.
Nalaman na din ni Ai ang plano kong pag-alis sa office. So ayun, masaya naman ako na nakabonding ko sila today :)
Pass 2 na ng makarating kami kina Tita Aydz. Di pa naguumpisa ang program (buti naman). Andon na ung ibang mga kaopsina namin. Panay ang picture-picture naming 3 with Jean. Daig pa namin na kami ang may birthday.
Binigyan akong hikaw at pabango ni Tita Aydz. Di daw nya kasi ako nabigyan nung pasko. Hayz, mamimiss ko talaga sila pero kailangan ko na ding umalis.
After kina Tita Aydz, nagpunta kami sa lake this time kasama na si Joey, Brigit at Irish. Picture-picture lang then gala ng konti sa plaza at inom ng konti sa CDC, syempre since di naman ako nainom ng beer e, nag-Cookies & Cream Frappe na lang ako.
![]() |
| Proof na Cookies and Cream Frappe lang ang akin :) |
9PM na ng maghiwa-hiwalay kami. Dumaan sila kina Tita Offie kasi doon sila nagpark ng kotse.
Yun ang nangyari sa maghapon. Mamimiss ko sila sobra. Pero siguro may mga bagay na kailangang gawin para mas makapagfocus ka sa ibang bagay.
With Love,
JustMe
P.S. Grabe....mga adik sila sa color game!

No comments:
Post a Comment