Tuesday, January 27, 2015

January15: Mabuhay San Pablo

Happy Feast Day St. Paul the First Hermit! Happy Fiesta San Pablo City!

St. Paul the First Hermit of Dr. Robert De Leon and Family

Aabsent sana ako. Kaya lang syempre hindi natapos ang presentation ng Impression kaya ayon pumasok ako. This time kasama na si Miss JIFB. Ayon medyo madugo pa din. Obvious sa mga mukha ang disgusto! pero keri lang.

After ng presentation, kinausap ako ni Sir FRB.. Napakalayo daw ng Impression sa inaasahan nya. Ang unti daw ng nadagdag. And napapansin nya daw na parang hindi ako nagpapanic kapag sinasabihan nya akong na may presentation which is good na di ako nagpapanic pero parang di nya nakikita na binibilisan ko ang gawa. Parang ganun yung dating sa akin.

I went home early kasi nga mamimiesta kami kina Tita Ofie. Buti na lang may sasakyang dala si Ai. Ang nakasakay sa car ay si Joey, Sarah, Gilbert with his baby, Ako and si Ai ang nagda-drive. Then sa motor ay si Aries at Ener.

Ang sarap ng pagkain kina Tita... yummy!!! Wala pang handa ang lagay na iyon! LOL Pagkatapos e nag-color game sila. Then umuwi na. Humiwalay na ako sa kanila kasi pabalik pa sila kina Tita Ofie.

Nakita kong open pa ang Cathedral, pumasok ako and tadah! yan yung picture sa taas. Kuha ko yan!
Hay pray for me San Pablo!

With Love,

JustMe

P.S. Dumating na nga pala si Pope Francis. Di ko napanood ng live ang pagdating nya. Medyo lang. Ang bagal kasi ng internet kaya mabagal din live stream! **Mercy and Compassion**

No comments:

Post a Comment