Monday, January 5, 2015

June 5: Holiday Hangover

Pasukan na bukas... whaaaa... ayoko pa! Ang dami kong dapat tapusin, tapos meron pa akong SP na iniisip. Huhuhu :'(

Maaga ako nag-alarm para makapagsimula ako ng gawain ng maaga. Pero di ko pa din maayos ang aking Apache at Mysql.

Hinihika ang kapatid ko, kaya nagpunta pa ako sa bayan para bumili ng gamot. Tapos, dumaan na din ako sa pagupitan para patanggal ng split ends sa buhok. Nagpa-ahit na din ako ng kilay ng konti. Ang sukli ay hinayaan ko na kay Carina (manggugupit namin ni Mommy).

Bago ako umuwi naisip kong dumaan ng Holy Face Bookstore. Naalala ko na gusto nga pala ng friend ko sa office (SHDRM) ng scapular, ayon, ibinili ko siya. Bumili na din ako ng isang stampita at rosary bracelet na may kasamang stampita ng Papal Visit sa Philippines. Praying for the safety and intentions of Pope Francis.

After that dumaan na din ako sa Adoration Chapel ng Cathedral. Katabi lang naman halos yun ng Holy Face. Namiss ko ito. Tagal ko din hindi nakakadaan kay Jesus sa Adoration Chapel. Nagdasal lang ng konti at umuwi na din.

As of this time, waley pa din ako magawa sa Apache ko. Kakainis! Di ko na alam gagawin ko. Asking for prayers and Saints intercessions. Kasalanan ko naman din e. Hay!

Kanina nagsabi ako kay Mommy na ayoko na magrenew sa office ng contract para maka-focus muna ako sa studies ko. Okay sa kanya na hindi kasi depende din sa resulta ng tests kay Daddy. Sana okay para medyo makafocus muna ako sa studies and hanap-hanap na din ng ibang work.

Ayon. God bless us!


With Love,

JustMe


P.S. Nahulog na naman ako sa kasalanang yun. Nakakainis! Sana maalis na yun sa sistema ko!

No comments:

Post a Comment