Pagkagising ko, puno na ng kaba ang puso ko! I told myself: "this is the day! Ito na...". Dahil sa nerbyos ko, nagpa-late talaga ako ng pasok. Para at least hindi ko na kailangan umattend ng flag ceremony. Ayoko kasi matanong sa Monday meeting yung regarding sa system. Baka doon pa ako sabunin ni Sir.
Pag dating ko, di pa tapos ang Monday meeting, doon pa ako ibinaba ng tricycle sa labas ng gate. Sabi ko ipasok sa may likod eh! Ayon, naglakad pa ako palikod. Pagpasok ko, sakto, tapos na din ang meeting. Nakasalubong ko agad si Sir FRB. Pagdating ko kinamusta nya agad. Sabi ko, malabo pa din and may gusto akong sabihin sa kanya. Then sabi nya: "Parang alam ko na!". Sabi ko kami na lang muna mag-usap.
Ayon sinabi ko na aalis na ako and ang reason ko ay pag-aaral and syempre hirap na din ako sa trabaho. Sabi niya wag na muna ako magdesisyon. Pagtulungan na daw muna naming MIS un system ko then after a week saka kami magdesisyon. Dumating si Sir ARM, akala nya kasi ung boses na nakikinig nya ay kay Architect (yung gumagawa ng office) tapos sinabi na din ni Sir FRB ang plano ko and yung sinabi nya. Pumayag naman si Sir ARM sa plano ni Sir FRB.
After non, pumunta si Sir FRB sa taas para iinform ang ibang bossings. Bumaba naman si Sarah at nag-usap kami. Sabi nya e wag na nga daw muna ako umalis at sumunod na lang muna sa plano ni Sir FRB. Sa totoo lang, ayoko naman umalis e, un nga lang di ko na kaya! Hindi naman porke't aalis ako e mahina ako. Sabi nga ni Sarah, kung saan daw ako nadapa, doon ako bumangon. Yun daw sabi ng Tatay nya. Sabi ko naman, OO, babangon nga ako kung saan nadapa. Pero kailangan ko umalis, para gamutin ang sarili ko.
Pagdating ni Sir FRB, nasabi na nya sa ibang bossings. Ayon, tinapat naman ako ni FRB na off na sa akin ang ibang bossings. Then, after non, nagmeeting kami ng mga dapat gawin!
After office, nagkita kami ni Eltie para tulungan nya ako mag-draft ng resignation letter ko. Nagkita kami sa KFC. Medyo mahirap na ang pasikot-sikot sa plaza kasi malapit na ang fiesta!
Grabe ang bigat! Ang bigat ng araw na ito... Kakalungkot! Nahihiya ako dahil buong MIS e nadadamay! >.<
With Love,
JustMe

No comments:
Post a Comment